Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan dahil sa ipinatutupad na Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at paghina ng piso kontra dolyar.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, posibleng umabot ang dagdag singil sa P0.92 kada kilowatt hour.
Paliwanag ni Zaldarriaga, pasok sa nasabing kuwenta ang buwis na ipapataw sa transmission charge dulot ng bagong tax reform package.
Bukas, Pebrero 8 pa nakatakdang ianunsiyo ng Meralco kung magkano ang saktong itataas sa singil sa kuryente ngayong buwan.