Nanganganib na namang tumaas ang singil sa kuryente sa susunod na dalawang buwan.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, bunga ito ng nakaambang pagtaas ng presyo ng coal sa World Market.
Ayon kay Gatchalian, halos kalahati ng pinagkukunan ng kuryente sa Pilipinas ay coal fired power plants kaya’t hindi puwedeng hindi tayo maapektuhan.
Maliban sa mas mataas na presyo ng coal, makakaapekto rin aniya ang patuloy na paghina ng halaga ng piso.
Una rito, iminungkahi ni Gatchalian ang pagggamit sa Malampaya funds na ngayon aniya ay umaabot na sa isandaan at tatlumpu’t dalawang (132) bilyong piso para mapababa ang singil sa kuryente.
—-