Epektibo na kahapon ang taas-pasahe sa mga tricycle sa Valenzuela City.
Ayon sa Valenzuela LGU, umabot na sa 12 pesos ang minimum fare sa mga trike sa lungsod.
Madaragdagan ito ng P1.50 kada isang kilometro.
Para sa mga pasaherong may special trip, magbabayad na sila ng 48 pesos at may dagdag ding P1.50 kada kilometro.
Ibinase ang bagong pasahe sa fare matrix na inilabas ng Valenzuela government.
Bilang tulong ito sa mga tsuper na naapektuhan ng oil price hike bunsod nang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.