Kakulangan umano sa pumapasadang mga driver ang naka-aapekto sa presyo ng singil ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ito ang paliwanag ni Jun De Leon ng Grupong LABAN TNVS sa gitna ng mga reklamo ng mga pasahero sa mahal na pasahe sa mga TNVS.
Ipinunto ni De Leo na aprubado naman anya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang “surge” sa pamasahe kapag mataas ang demand sa mga sasakyan.
Marami na rin anyang drayber ang hindi pumapasada dahil sa mataas na presyo ng gasolina, maging ang nagbabadyang pagtaas ng komisyon na kukunin ng mga TNVS companies mula sa mga tsuper.
Nilinaw ni De Leon na hindi sa driver napupunta ang dagdag singil tuwing may surge o mataas ang demand sa mga sasakyan.
Ito ang dahilan kaya’t nananawagan sila sa LTFRB na i-regulate na rin ang mga TNVS para sa kapakanan ng mga tsuper at ng pasahero.