Umarangkada na ang panibagong oil-price hike ngayon araw.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, aabot sa P1.60 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, habang nasa P1.10 ang akyat sa presyo ng kada litro ng diesel, at P1.05 naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Unang ipinatupad ng kumpanyang CALTEX ang nabanggit na price adjustment kaninang alas-dose uno ng madaling araw, habang magkakaroon ng kaparehong taas presyo ang Petro Gazz, PTT Philippine Corporation, at Unioil Petroleum Philippines Incorporated mamayang 6 a.m.
Ipapatupad naman ng Cleanfuel ang nabanggit na oil price hike kaninang 4:01 ng hapon.
Paliwanag ni Energy Asssitant Director Rodela Romero, ito’y dahil lumala ang kaguluhan sa border ng israel at lebanon, at sa desisyon ng cartel na magbawas ng produksyon ng langis. – sa panunulat ni Charles Laureta