Epektibo na ngayong araw ang taas-singil sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at auto-LPG ng kumpaniyang petron na nag-simula kaninang alas-12 ng hating-gabi.
Nasa P3.25¢ ang taas-singil ng petron sa kada kilo ng LPG o P35.75¢ sa kada 11 kilo habang P1.81¢ naman ang dagdag sa kada litro ng auto-LPG.
Ang mataas na presyo ng LPG, ay bunsod ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. —sa panulat ni Angelica Doctolero