Matapos ang ikalawang tapyas presyo ng langis, asahan naman bukas, Martes ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa pagtataya ng kumpaniyang UniOil Petroleum Philippines, maaaring tumaas ng P1.70 centavos hanggang P1.80 centavos ang presyo sa kada litro ng Diesel.
Samantala, maaari namang tumaas ng P0.40 centavos hanggang P0.50 centavos ang kada litro ng gasolina. —sa panulat ni Angelica Doctolero