Asahan na bukas, Martes ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Magpapatutupad ng malaking dagdag-presyo ang ilang mga kumpaniya ng langis kung saam, posibleng tumaas P4.70 centavos hanggang P4.90 centavos ang presyo ng kada litro ng kerosene; P4.30 centavos hanggang P4.50 centavos sa presyo ng gasoline; habang P3.80 centavos hanggang P4.00 naman ang ipapatong sa presyo sa kada litro ng diesel.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Matatandaang huling nagtaas sa presyo ng langis nitong Abril 26 kung saan, P4.10 centavos ang naging dagdag-singil sa presyo ng diesel, P3.50 centavos sa presyo ng kerosene, at P3.00 naman sa presyo ng gasolina.