Asahan na bukas, Martes, ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, posibleng maglaro sa P2.10 centavos hanggang P2.40 centavos ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
Nasa 40 centavos hanggang 70 centavos naman ang posibleng dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Asahan namang tataas ng P1.60 centavos hanggang P1.90 centavos ang presyo sa kada litro ng kerosene.
Nabatid na ito na ang unang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo ngayong December, matapos ang walong magkakasunod na linggong tapyas-singil sa kada litro ng langis sa bansa.