Asahan na sa Martes, January 18, 2022 hanggang January 24 ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Asahang papalo sa halos P1 hanggang mahigit P2 ang dagdag singil sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
Ayon sa kumpaniyang unioil, maglalaro sa P0.90 centavos hanggang P1 ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina; P1.70 centavos hanggang P1.80 centavos sa diesel; habang P2.10 centavos hanggang P2.20 centavos naman ang singil sa presyo ng kerosene.
Nabatid na patuloy na naghihigpit ang supply kasabay ng pagtaas ng demand ng langis sa kabila ng banta ng Covid-19 at panibagong variant na omicron sa bansa. –Sa panulat ni Angelica Doctolero