Epektibo na ngayong araw ang malakihang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ipinatupad kaninang alas-6 ng umaga ng mga kumpaniyang Chevron Philippines o Caltex, Flying V, Petron, Pilipinas Shell at SeaOil Philippines ang P2.70 centavos na taas-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina; P6.55 centavos naman ang dagdag-singil sa kada litro ng diesel; habang P5.45 centavos naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.
Magpapatupad naman ng kaparehong presyo ang Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines at PTT Philippines maliban nalang sa presyo ng kerosene.
Samantala, magpapatupad naman ng kaparehong presyo ang kumpaniyang Cleanfuel mamayang alas-8 ng umaga at Caltex na magpapatupad naman mamayang alas-12 ng tanghali.
Nabatid na ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.