Epektibo na ngayong araw ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa anunsiyo ng kumpaniyang Pilipinas Shell, Seaoil at Cleanfuel, papalo sa .80 centavos ang presyo sa kada litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa P3.10 centavos ang presyo sa kada litro ng diesel habang P1.70 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Samantala, magpapatupad naman mamayang alas-8 ng umaga ng kaparehong presyo ang Cleanfuel maliban lang sa kerosene na wala sila.
Sa datos ng Department of Energy (DOE) nito lamang Hunyo a-14, ang year-to-date adjustments stand sa kada litro ng gasolina ay pumalo na sa P28.70 centavos; P41.15 centavos sa kada litro ng diesel; habang P4.85 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Iginiit ni DOE Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, na ang pagkakaroon ng lockdown sa China at pagbabawal ng European Union sa pag-import ng Russia sa langis ang dahilan ng pagtaas ng mga presyo nito sa International market.