Epektibo na ngayong araw ang malakihang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, aabot sa P6.85 centavos ang ipatutupad sa kada litro ng diesel; habang maglalaro naman sa P1.20 centavos hanggang P3.50 centavos ang kada litro ng gasolina at kerosene.
Una nang nagpatupad ang ilang kumpaniya ng langis kaninang alas-12 ng madaling araw habang nagpatupad naman ng kaparehong presyo kaninang alas-6 ng umaga ng Shell Philippines, na sinundan ng Cleanfuel na nagpatupad kaninang alas-8 ng umaga.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay ang pasya ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus Coalition na bawasan ang oil production ng dalawang milyong bariles bilang suporta sa bumababang presyo ng langis dahil sa agresibong pagpapatupad ng US sa kanilang interest rate hike.