Epektibo na ngayong araw, ang Bigtime Oil Price Hike ng ilang kumpaniya ng langis.
Pasado alas 12:01 kaninang madaling araw, inilarga na ng kumpaniyang Caltex ang P2.90 centavos na taas-singil sa presyo ng kada litro ng Diesel; P.70 centavos ang magiging dagdag-singil sa kada litro ng gasolina; habang P1.65 centavos naman sa kada litro ng Kerosene.
Nagpatupad naman ng kaparehong presyo kaninang alas-6 ng umaga ang mga kumpaniyang Petron, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, JETTI Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines, at Seaoil.
Habang mamayang alas-4:00 ng hapon, ipatutupad din ng Cleanfuel ang kaparehong presyo.
Nabatid na ito na ang unang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan ng Disyembre, matapos ang walong magkakasunod na linggong tapyas-singil sa kada litro ng langis sa bansa.
Ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagluluwag ng China na posibleng magtulak para muling magtaas ang demand ng langis sa pandaigdigang merkado.