Ikinasa na ng mga kumpanya ng langis ang unang price increase sa kanilang mga produkto ngayong taong 2024.
Bunsod ito ng ipinatong na premium at mas mataas na shipping cost ng mga oil company upang maiwasan ang tensyon sa Red Sea.
Alas dose uno ng hatinggabi nang ipatupad ng Caltex ang dagdag na ₱0.10 sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene o gaas.
Epektibo naman simula kaninang alas-6 ng umaga ang kahalintulad na price adjustment ng mga kumpanyang ShZell at Seaoil habang mamayang alas-4 ng hapon naman ito ipatutupad ng Cleanfuel.