Tataas ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water sa Abril.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Chief Regulator Joey Yu, ang pagtaas sa halaga ng singil sa tubig ay dahil sa FCDA o Foreign Currency Differential Adjustment.
Sinabi ni Yu na pinagsamang halaga ng 1st quarter at 2nd quarter FCDA ang madaragdag sa singil makaraang hindi aprubahan ang price adjustment para sana sa unang quarter na iminungkahi ng Manila Water na 70 centavos kada cubic meter at sa Maynilad na 37 centavos kada cubic meter.
Inaasahang iaanunsyo ng MWSS sa mga susunod na araw ang kabuuang halaga ng itataas sa singil sa tubig.
By Meann Tanbio