Hindi papahintulutan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang babalang pagtataas ng singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water matapos bawiin ang pagpapalawig ng concession agreement.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, magiging mabigat para sa publiko kung do-doble pa ang singil sa tubig.
Paglilinaw pa ni Ty, buhay pa ang extension ng concession agreement nila sa dalawang water concessionaire, ang resolusyon na nagpapalawig ng kontrata hanggang 2037 ang tangi nilang kinansela.
Gayunman, mabibigyan pa rin umano ng pagkakataon ang Maynilad at Manila Water kung nais nilang kunin ang bagong kontrata at kung tanggihan man nila ito ay ipapa-bid sa ibang kumpanya.