Asahan na ang taas singil sa tubig matapos aprubahan ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang hiling na tariff adjustment ng Maynilad at Manila Water.
Magtataas ng 36 centavos per cubic meter ang singil ng Manila Water habang 77 centavos per cubic meter naman para sa Maynilad.
Ipatutupad ito labing limang (15) araw matapos mailathala ang bagong singil.
Samantala, nakatakda ang water service interruptions ng Maynilad at Manila Water.
Mawawalan ng suplay ng tubig mula April 6 alas-8:00 ng gabi hanggang April 8 ala-5:00 ng umaga ang mga customers ng Maynilad sa ilang lugar sa Caloocan, Valenzuela, Quezon City at Bulacan.
Ang ilang customers naman ng Manila Water ay mawawalan ng tubig sa April 5 to 6 mula alas-10:00 ng gabi hanggang ala-6:00 ng umaga sa San Juan, Madaluyong at Marikina City habang April 6 to 7 mula alas-11:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga sa Quezon City.
By Krista de Dios