Nanawagan si Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera sa publiko na paghandaan ang pagtaas ng singil sa kuryente, tubig, iba pang utilities at papatinding inflation na mararanasan sa bansa.
Ito ay matapos pumalo sa halos P55 ang palitan ng kada isang dolyar.
Dapat din aniyang ihanda ng pamahalaan ang mga kinakailangang subsidiya para sa mahihirap at middle-income households.
Gayundin ang lahat ng economic agencies sa nakaambang pagsirit ng inflation dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Hinikayat naman ni Herrera ang Energy Regulatory Commission (ERC), Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Water Regulatory Agencies na desisyunan na ang mga petisyon kaugnay sa mga refund at rebates.