Tataas ang singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad Water services sa Hulyo.
Inaprubahan ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang foreign currency differential adjustment sa singil sa tubig.
Nag-ugat ito sa mataas na halaga ng dolyar at yen kontra sa piso.
Mula limang piso (P5) hanggang dalawampu’t tatlong piso (P23) ang itataas ng singil sa tubig ng Manila Water samantalang mula bente tres sentimos (P0.23) hanggang piso at pitumpu’t limang sentimo (P1.75) naman ang sa Maynilad.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, kada ikatlong buwan ay pinapayagan nila ang foreign currency adjustment sa singil sa tubig upang hindi maipon o maging one time big time increase.
—-