Asahan nang tataas ang singil ng Manila Water sa Nobyembre.
Ito ay matapos na aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hiling na dagdag singil ng Manila Water.
Ayon sa MWSS, P6.22 hanggang P6.50 kada cubic meter ang inaprubahan na taas singil ng MWSS na hahatiin sa loob ng apat na taon.
Ang unang bagsak ng singil na P1.46 kada cubic meter na average rate hike ngayong Oktubre ay makikita sa water bill sa Nobyembre.
Dahil dito, ang mga kumokonsumo ng di tataas sa 10 cubic meters ay magkakaroon ng dagdag na P5.68 sa kanilang water bill.
Nasa P9 naman ang madadagdag sa mga kumokonsumo ng 15 cubic meters habang P19 naman sa mga nakakagamit ng 25 cubic meters na tubig.