Aprubado na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang dagdag-singil sa tubig para sa mga customer ng Maynilad at Manila Water na magiging epektibo simula sa January 1, 2025.
Sa ilalim ng inaprubahang rate adjustments, para sa mga konsyumer ng Manila Water, nasa 2.87 pesos ang dagdag-singil sa mga low-income lifeline customers, 24.68 pesos ang taas-singil sa mga regular residential o kumukonsumo ng 10 cubic meters kada buwan; 54.79 pesos naman sa buwanang singil para sa kumukonsumo ng 20 cubic meters kada buwan, habang may adjustment na 111.83 pesos naman sa mga customer na may konsumong 30 cubic meters.
Ang mga customer naman ng Maynilad na kumukonsumo ng mas mababa sa 10 cubic meters kada buwan o mga low income lifeline customers, ay magkakaroon ng dagdag na 10.56 pesos sa kanilang water bill.
20.08 pesos naman sa regular lifeline customers, 75.89 pesos din ang dagdag sa buwanang singil para sa kumukonsumo ng 20 cubic meters kada buwan, habang may adjustment na 155.53 pesos naman sa mga customer na may konsumong 30 cubic meterskada buwan.
Layon ng taas-singil sa tubig ay para mapabilis ang capex spending o mga proyekto ng maynilad at manila water na nakatutok sa pagpapaganda ng kanilang mga serbisyo sa publiko.