Pansamantala munang hindi ipatutupad ang rate increase ng Maynila Water services na nakatakda sanang ipatupad sa susunod na taon.
Sa inilabas na pahayag ng naturang water company, ang naturang hakbang ay para hindi na makadagdag pa sa iisipin at papasanin ng bawat pilipino, lalo’t nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Nauna nang inaprubahan ng MWSS regional office ang revised adjustment ng Maynila para sa 2021, na may rate increase na aabot sa P1.95/ m3 sa kanilang basic charge, na ika-3 bugso o tranche na ng kanilang staggered implementation o ‘yung paunti-unting pagpapatupad para sa taong 2018-hanggang-2022.
Mababatid na ang Maynila, ay nagseserbisyo sa west zone ng Metro Manila o Maynila, ilang lugar ng Quezon City, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, Malabon, at ilan pang kalapit na lugar.