Nakaambang tataas ang singil sa ilang water concessionaires simula Enero sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa environmental charge na binababayaran ng mga konsyumer.
Ayon kay Manila Water spokesperson Jeric Sevilla, isa sa halimbawa nito, kung 20 cubic meters ang kunsumo, 25% sa basic charge na nasa P300.00 at dagdag P82.00 para sa environmental charge.
Mananatili naman sa 20% ang enviromental charge ng Maynilad ngunit tataas pa rin ang bill dahil sa basic charge.
Sinabi naman ng Maynilad na may pakinabang ang mga konsyumer sa environmental charge.
Samantala, inihayag ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang taas-singil sa tubig para sa waste water at watershed management kabilang din ang pagsipsip ng septic tank kada limang taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla