Inaprubahan ng DepEd o Department of Education ang taas singil sa tuition fee sa higit 900 mga pribadong elementarya at highschool sa buong bansa.
Sa bagong datos ng ahensya, ang 947 mga paaralan na nagtaas ng singil ay pitong porsyento lamang ng kabuoang 14,430 na mga rehistradong pribadong paaralan.
Pinakaraming paaralan na magtaaas ng tuition fee ay matatagpuan sa Central Luzon – 172, sa Metro Manila – 170 at sa Central Visayas – 169.
Sa kabila nito, 114 naman na paaralan ang magbababa ng singil sa tuition fee kabilang ang 28 sa Metro Manila at 26 sa Central Luzon.