Bukas ang mga employer sa direktiba ng Labor Department na repasuhin ang minimum wage, ngunit hindi dapat umasa ang mga manggagawa dahil may mga dapat na ikonsidera ukol dito.
Ayon kay Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luiz Jr., wala silang problema sa pagrereview dahil mayroon itong dahilan tulad ng tumataas na presyo ng mga bilihin dahil sa giyera sa Ukraine.
Kaya lang aniya’y mayroong “realities” na dapat isaalang-alang tulad ng mula 44 million workers sa labor market ay 16% dito ang nasa formal sector o ‘yung may employer-employee relationship habang 84% ay informal workers tulad ng tricycle drivers, mga magsasaka at mga may-ari ng maliit na negosyo.
Dahil dito, sinabi ni Ortiz-Luiz na ang nasa formal sector lamang ang manginginabang sakaling itaas ang minimum na sahod.