Umakyat na sa apat ang patay habang tinatayang nasa isanlibong pamilya naman ang inilikas sa Tacloban City sa lalawigan ng Leyte.
Kasunod ito ng pagguho ng lupa sa nasabing lungsod dahil sa walang patid na pag-ulang dulot ng hanging amihan na naka-a-apekto sa Luzon at Visayas.
Nagsanib puwersa na ang mga pulis, sundalo, bumbero at rescue teams para hukayin ang gumuhong lupa sa barangay 43-B gamit ang backhoe.
Nanawagan naman si Tacloban City Mayor Cristina Gonzales – Romualdez sa mga residenteng nakatira sa landslide prone areas na lumikas muna para na rin sa sarili nilang kaligtasan.