May mga inilatag na aktibidad ang Tacloban City para sa paggunita ng ika-9 na anibersaryo ng paghagupit ng super typhoon Yolanda.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na magkakaroon bukas ng misa at may mga aktibidad din na idadaos pagsapit ng gabi.
Binigyang diin ng alkalde na bagamat matagal nang naka-move on ang mga residente ay mahalaga aniyang alalahanin ang nasabing araw dahil sa aral na ibinigay nito.
Matatandaang sinuspinde ang klase at pasok sa trabaho bukas, November 8, sa ilang bayan sa Samar at Leyte upang bigyang-daan ang pag-alala sa pagtama ng bagyong Yolanda noong November 2013.