Kauna-unahang Local Chief Executive na nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.
Ayon sa Presidential Communications Operations Office, nabakunahan si Romualdez sa pamamagitan ng national vaccination program.
Inihayag naman ni Romualdez sa kaniyang facebook post na 50% lamang ng Taclobanons ang nais mabakunahan ng Sinovac vaccine.
Dahil aniya rito, napagdesisyunan niya na pangunahan ang pagpapabakuna para maipakita sa kaniyang nasasakupan na walang dapat ikatakot sa pagpapaturok ng Sinovac.
Ikinagalak naman umano ni Romualdez ang tila positibong tugon ng kaniyang constituents sa kaniyang ginawang pagpapabakuna.
Si Romualdez ay isang ring COVID-19 survivor.