Ipinagmamalaki ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran ang media workers welfare act na aniya’y itinuturing niyang legacy bilang suporta sa mga kasamahan niya sa media.
Sinabi ni Taduran sa kanyang dating tahanan na DWIZ, hindi nasayang ang kanyang pagtutok para maaprubahan ang nasabing panukala sa kamara at tiwala siyang susuportahan ito ng senado upang tuluyang maging batas.
Ito ang kauna-unahang batas na aking pinanukala nang ako ay maluklok sa pwesto,” ani Taduran.
Ayon kay Taduran, malaki ang maitutulong ng panukala para mabigyan ng tamang pagtrato ang media workers sa pamamagitan ng security of tenure, tamang pasuweldo, benefits at maging ng hazard pay.
I’m so overwhelmed talaga, kasi ito ang profession ko ito ang naging bread and butter ko… Iba kasi ang media, e, tayo mismo ang nagtatanggol ng mga walang benepisyo… tapos mismong tayo ‘di tayo naipagtatanggol… ‘yun ang hindi nila alam,” ani Taduran. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas