Isinusulong ni ACT-CIS Party List Representative Nina Taduran sa gobyerno na magbigay ng tax credit sa middle income earners sa gitna ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Taduran na maging ang pamilya ng middle income earners ay nangangailangan din ng tulong pinansyal sa panahong ito dahil mas malaki ang gastos.
Marami rin aniyang middle income families ang apektado ng paghina ng ekonomiya at pagtigil ng trabaho.
Kaya naman umaapela si taduran sa gobyerno na bigyan ang middle income earners kahit man lang bawas sa buwis na katumbas ng halagang ipinamamahagi sa mga mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program o yung P5,000 hanggang P8,000.
Bagamat kabawasan ito sa kita ng gobyerno binigyang diin ni Taduran na makakatulong rin sa ekonomiya ang dagdag na purchasing power ng middle \class bukod pa sa hindi na dagdag na gastos ng pamahalaan ang mga ito.