Let’s give her a chance,”
Ito ang opinyon ni Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) party-list Representative Niña Taduran sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Aniya, umaasa siya na ang pag-upo ng bise presidente ang makapagbibigay ng umanoy ‘second wind’ ng kampaniya ng administratasyon sa ilegal na droga.
Dagdag pa nito, maganda ring pagkakataon ang bagong appointment ni Robredo para patunayan ang kanyang kakayahan bilang isang babae.
“Magandang pagkakataon ito, bilang isang babae rin, let’s give her a chance, ang ating bise presidente, na patunayan din ‘yung kanyang kakayahan,” ani Taduran. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas