Ibinabala ng United Nations World Food Programme o UN-WFP na hindi malayong maranasan ngayong panahon ang tag-gutom na maihahalintulad sa mga kaganapan sa bibliya.
Ayon kay WFP Chief David Beasley,mahigit 40 milyong katao sa 43 bansa sa Africa ang namemeligrong makaranas ng tag-gutom kung hindi aaksyon kontra food shortage.
Ang kakulangan anya sa pagkain ay dulot ng mga digmaan, climate change at economic crisis na pinalala ng pandemya.
Umaapela ng 6 billion dollar assistance ang world food program lalo sa mga mayamang bansa upang matugunan ang problema sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon. —sa panulat ni Drew Nacino