Nagbabadya ang tag-gutom sa bansa tulad ng banta ng coronavirus kung hindi ito matutugunan ng tama ng pamahalaan sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, dahil sa pandemic, hindi malayong magkaruon ng kakulangan sa suplay ng pagkain sa buong mundo.
Dahil dito, sinabi ni Dar na dapat kumilos na ang gobyerno para magkaroon ng seguridad sa pagkain sa Pilipinas.
Umapela ang DA ng dagdag na P31-B pondo para sa implementasyon ng ahon lahat, pagkaing sapat kontra sa COVID-19 o ALPAS COVID-19 program.
Nakapaloob dito ang pagpapalawak sa kadiwa ng ani at kita na kinabibilangan ng pag-monitor sa provincial services on wheels, transportasyon at trucking services para madala sa mga destinasyon ang mga produkto.
Maglalaan rin ng dagdag na pondo para sa rice resiliency projecting at pondo para sa pagbili ng NFA ng palay sa mga magsasaka.