Pinaghahanda ng PAGASA ang publiko dahil sa inaasahang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Ito’y matapos pormal na ideklara ng PAGASA ang pagtatapos ng pag-iral ng hanging Amihan, hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-init sa bansa.
Ayon kay PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano, batay sa kanilang datos ay dominante na ang hangin na umiihip mula sa silangan o kung tawagin ay easterlies o hangin mula sa silangan na siyang naghahatid ng maalinsangang panahon.
Kasunod nito, sinabi rin ni Malano na mararanasan na rin ang Vernal Equinox sa Marso a-21 kung saan ay mas mahaba na ang araw kaysa sa gabi kaya’t malaki ang tsansa ng mataas na relative humidity.
Kaya naman pinayuhan ng PAGASA ang publiko na gawin ang ibayong pag iingat dahil sa epekto ng mainit na panahon lalo na sa kalusugan. —sa ulat ni Jaymark Dagala