Posibleng pumasok na ang panahon ng tag-ulan sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hunyo.
Ayon sa PAGASA, kanila nang sisimulang tukuyin sa unang linggo pa lamang ng Hunyo kung makikita na ang batayan para makapagdeklara na ng panahon ng tag-ulan.
Dumadalas na rin anila ang nararanasang mga thunderstorms na hudyat na rin ng pagsisimula ng pag-iral ng hanging habagat.
Batay din sa isinagawang bagong pagsusuri ng PAGASA, malaki ang posibilidad na tumagal pa hanggang katapusan ng taon ang nararanasang el niño sa bansa.
Taliwas ito sa kanilang naunang pag-aaral na tatagal lamang hanggang Agosto ang el niño.
Sakaling magtuloy tuloy ang el niño phenomenon, kanilang inaasahan na mas kokonti lamang ang bagyong papasok sa bansa bagama’t inaasahang mas malalakas ito dahil sa mainit na karagatan.