Nais ng isang mambabatas na ipagbawal ang filipino dubbing ng mga english movies at mga programa sa telebisyon na ipinapalabas sa pilipinas.
Sa paghahain ng House Bill 9939, sinabi ni Negros Occidental Representative Jose Francisco ”Kiko” Benitez na layunin ng panukala na matulungan ang mga pilipino na matuto ng english language upang ito ang maging ikalawang wika.
Sa halip, oobligahin ng section 4 ng panukalang batas ang mga audiovisual production, broadcasting, film distribution at streaming services na magbigay ng filipino subtitles sa english-language motion pictures at television programs.
Samantala, exempted sa pagbabawal na ito ang mga patalastas sa telebisyon at mga programa sa telebisyon mula 1:00 a.m. Hanggang 6:00 a.m. Philippine standard time.
Kung sakaling maisabatas, maaaring patawan ng hindi bababa sa p50,000 hanggang p100,000 multa ang mga audiovisual production, broadcasting, film distribution at streaming services na lalabag sa mga probisyon ng hb 9939.
Bukod dito, maaari rin silang makulong nang hindi bababa sa anim na buwan ngunit hindi hihigit sa isang taon — bagay na pagdedesisyunan ng korte.