Muling nagpakita sa publiko ang dating pari na si Frank “ka frank” Fernandez, tagapagsalita ng National Democratic Front sa Negros.
Ito’y matapos ihayag ng militar na may malalang sakit si Fernandez at maaaring pumanaw na ito.
Pero, sa isang peace forum, sinabi ni Fernandez na hindi malubha ang kanyang karamdaman at nagamot naman ito ng mga medics ng New People’s Army o NPA.
Nilinaw ni Fernandez na nakipagpulong na siya kay ka JUANITO Magbanua, tagapagsalita ng Apolinario Gatmaitan Command, hinggil sa pinaiiral na holiday ceasefire.
By: Jelbert Perdez