Inaresto ng Pasig City Police ang tagapagsalita ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Senior Manager for Corporate Communication Rey Baleña.
Ayon kay Pasig City Police Chief Col. Moises Villaceran Jr., may standing warrant of arrest si Baleña dahil sa kasong cyberlibel na ipinalabas ni Cebu City Judge Ramon Daomilas Jr.
Wala pang malinaw na detalye sa kinahaharap na Cyberlibel case ni Baleña pero kabilang sa tungkulin nito ang magsalita para sa PhilHealth sa gitna ng kinahaharap na alegasyon ng kurapsyon.
Inaasahang makalalaya si Baleña kapag nakakuha na ito ng release order ngayong araw,Oktubre 6 matapos makapagbayad ng 30k na piyansa.
Naaresto si Baleña pasado 1:30 kahapon, malapit sa City State Centre Building sa Shaw Boulevard kung saan matatagpuan ang punong tanggapan ng PhilHealth.