Tinawag na sourgraping ni dating North Cotabato Governor Manny Piñol si Senador Antonio Trillanes sa pahayag nito na bunga ng manipulasyon ni Senador Allan Peter Cayetano ang SWS survey kung saan nanguna si Davao Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Piñol, isa sa mga masugid na supporters ni Duterte, normal lamang naman ang mga mapapait na reaksyon kapag hindi ang iyong kandidato ang nanguna sa isang survey.
Hanggang ngayon anya, hindi matanggap ng ilang pulitiko na mauungusan sila ng isang promdi na may kakaibang pananalita na katulad ni Duterte.
“Came from the province, who does not have the money, who speaks in the most unusual manner and yet people tend to gravitate around him beacuase he’s carrying the correct message of change, ang pagbabago, kung meron pa bang tyansang magbago ang survey, ang sagot ko kung magbabago ang issues na dinadala ni Mayor Duterte that’s the only time and way that Duterte could lose in elections.” Ani Piñol.
Kasabay nito ay tinawag namang palpak ni Piñol si election lawyer Romulo Macalintal.
Kaugnay ito sa opinyon ni Macalintal na duda siya kung puwedeng maging substitute candidate ni Martin Piñol si Duterte dahil lokal na posisyon ang inilagay ni Dinio sa kanyang certificate of candidacy.
“Although may mga questions, I’m not even worried about the opinion of Romy Macalintal, because in all of the opinion he has given regarding the case of Grace Poe, itong nuisance petition against Dinio, parang 0 out of 2 parang puro palpak ang kanyang mga analysis, I can understand him, libreng publicity sa kanya baka dumami ang kanyang kliyente.” Pahayag ni Piñol.
***
Una rito ay direktang itinuro ni Senador Antonio Trillanes ang running mate ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Senador Alan Peter Cayetano na siyang nasa likod umano ng panibagong survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sinabi ni Trillanes, hindi umano reliable ang resulta ng SWS survey kung saan nanguna si Duterte sa presidentiable dahil misleading ang mga tanong.
Propaganda lamang anya ito ng kampo ni Duterte upang makabawi sa negatibong reaksyon ng publiko sa pagmumura ng alkalde dahil sa idinulot na traffic nang pagbisita ni Pope Francis noong Enero.
Nagtataka naman si Trillanes kung bakit pinayagan ang SWS gayong may paglabag sa rules sa paggawa ng quantitative research.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)