Dinagsa ng mga turista ang ilang mga pasyalan sa Tagaytay City kasabay ng pagluluwag ng quarantine status sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.
Ayon kay Tagaytay Tourism Chief Jarryd Bello, halos domoble ang bilang ng mga nagpunta ngayong Nobyembre kumpara noong mga nakaaang buwan.
Aniya, naitala sa Picnic Grove angnasa 56,000 bisita ngayong buwan mula sa 26,000 noong Oktubre.
Dagdag pa nito, sumigla rin ang negosyo ng maraming kainan at mga lodging house sa nasabing lugar.
Samantala, hinikayat niya ang mga turista na pumunta sa Tagaytay lalo’t bukas ito para sa lahat ng edad. Kailangan lamang aniya na magpakita ng vaccination card para makapasok sa mga pasyalan. —sa panulat ni Airiam Sancho