Inaasahang unti-unti nang makakabangon ang ekonomiya ng Tagaytay City ngayong binuksan na ang lungsod sa mga turista.
Ito’y matapos humina ang mga negosyo sa Tagaytay makaraang magpatupad ng lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Tagaytay Mayor Agnes Tolentino, kahit papaano ay masasabing nagsisimula na muling bumangon ang Tagaytay kahit paunti-unti ang pagpasok ng mga turista.
Hindi pa rin kasi lahat ng turista ay basta-basta makapapasok sa lungsod.
Gaya na lamang na paalala ni Joint Task Force COVID Shield Commander Guillermo Eleazar kung saan kinakailangan pa ring humingi ng travel authority ang mga nasa general community quarantine para makapasok sa lungsod.