Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City ang cash for work program.
Ito ay para may pagkakitaan ang mga nasalanta at apektado ng pagputok ng bulkang Taal.
Ilan sa mga gagawin ay ang paglilinis ng mga establisyimento sa lungsod tulad ng mga hotel, restaurant, at malls.
Pwede ring ma-asign sa pagluluto ng pagkain para sa mga bakwit sa mga evacuation centers.
Makakatanggap ng P416 kada araw na sahod ang mga lalahok sa naturang programa, katumbas ito ng minimum wage sa naturang lungsod.
Umaasa naman ang lokal na pamaalaan na unti unting babangon ang kanilang lungsod.