Maaaring sanhi ng pagtaas ng COVID-19 infections sa Europa ang taglamig maging ang pinaluwag na health protocols.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng DOH – Technical Advisory Group, dahil malamig ang panahon, mas maraming tao ang nananatili sa loob ng bahay, kung saan mas kaunti ang air ventilation.
Hindi umano naging maingat ang mga residente sa Europa at hindi na nagsuot ng face masks dahil sa pagtaas ng vaccination rates.
Ito rin ang dahilan ng pagpalo ng daily new cases sa France sa 32,591 habang nakapagtala ang Germany ng maraming Coronavirus fatalities at infections noong Huwebes.
Sa kabila nito, inihayag ni Salvana na nananatiling mababa ang bilang ng mga nasawi sa virus sa Pilipinas dahil sa proteksyon mula sa mga bakuna. —sa panulat ni Drew Nacino