Alagaan ang kalikasan at gayundin ang kapwa-tao.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko bilang bahagi umano ng paghahanda laban sa sakuna.
Giit ni Tagle, may banta man o wala ng kalamidad, dapat isaisip ang pag-aalaga at wastong pamamahala sa kapaligiran at sa kapwa-mamamayan.
Paliwanag pa ng arsobispo, alam na ng mga Filipino na may dumaraang 20 hanggang 22 bagyo taun-taon, kaya’t maituturing nang eksperto ang bawat isa sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.
By Jelbert Perdez