Nanawagan sa mga kabataan si Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle na maging mas aktibo sa simbahan at pagpapakalat ng salita ng Diyos.
Ginawa ng kardinal ang panawagan sa kanyang huling midnight mass sa fiesta ng Itim na Nazareno bilang Arsobispo ng Maynila.
Ayon sa kardinal, ang pagganap sa tungkulin sa simbahan ay hindi lamang dapat maging obligasyon kundi dapat ay gawin itong debosyon ng bawat Katoliko.
Sa unang bahagi ng kanyang homily ay nanawagan si Tagle sa lahat ng Pilipino na ipagdasal ang pag-iral ng kapayapaan sa harap ng umiinit na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ipinalangin po natin na maging ligtas ang ating mga kapwa sa Middle East. Humupa ang mga pagnanais na sirain ang kapwa, humupa ang mga hangarin na maghiganti,” ani Tagle.