Pormal nang nagsimula sa kaniyang bagong trabaho sa Vatican City si Luis Antonio Cardinal Tagle.
Kasunod na rin ito nang ibinahagi ni Father Regie Malicdem, private secretary ni Tagle ang mga larawan ng bagong opisina ng kardinal na una nang nakipagpulong sa kaniyang collaborators.
Ibinahagi rin ni Malicdem ang maikling pahayag ni Tagle na nagsabing nasa Vatican siya para sa bagong misyon bilang prefect of the congregation for the evangelization of peoples.
Hindi aniya siya nag-aral sa Roma at natutunan lamang niya ang pagsasalita ng Italian kaya’t kakaiba ang paraan niya ng pagsasalita nito.