Pansamantalang sinuspinde ng Taguig City Government ang pagsuporta sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos masangkot ang ilang opisyal sa operasyon ng iligal na droga sa Bicutan.
Ayon sa City Government, mananatiling suspendido ito hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon kina PDEA SDO chief Enrique Lucero at mga ahenteng sina Anthony Alabastro at Jairesh Llagun na nadakip sa isang Anti-Drug Operation sa loob ng kanilang tanggapan.
Magugunitang ipinahiram ng Local Government Unit ang bagong pasilidad sa PDEA para sa operasyon ng iligal na drogra.
Nauna namang sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi nila agad winasak ang mga nakumpiskang droga dahil ginagamit pa ito bilang ebidensya sa mga kaso. —sa panulat ni Jenn Patrolla