Aminado ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig na marami pa silang dapat gawin at hindi dapat magpakakampante ang kanilang mga kababayan.
Ito ang inihayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano matapos i-ulat ng OCTA Research Group na isa ang Taguig City sa mga lugar sa Metro Manila na may pinakamaliit na fatality rate sa COVID 19.
Ayon kay Cayetano, malaking naging ambag nito ay ang mabilis na pagtugon at pagpapakalat ng impormasyon hinggi sa mga benepisyo ng pagpapabakuna kontra sa virus.
Gayundin aniya ang pagiging disiplinado ng kanilang mga mamamamayan sa pagsunod sa health protocols kaya’t kanilang napababa ang bilang ng mga nasasawi sa lungsod.
Nagpasalamat naman ang Alkalde sa mga medical frontliner na walang sawang nagtatrabaho para ingatan at alagaan ang kanilang mga pasyente at tiniyak niyang magdodoble kayod pa upang mabakunahan ang lahat ng mga residente ng Taguig sa lalong madaling panahon.