Nangunguna ang Taguig sa NCR o National Capital Region sa may pinakamataas na populasyon.
Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, nasa 4. 32% ang average na paglago ng populasyon sa Taguig mula 2010 hanggang 2015.
Nangangahulugan ito nang paglobo sa 805,000 ng populasyon ng Taguig hanggang August 2015 mula sa halos 650,000 noong 2010.
Nahigitan ng Taguig ang Mandaluyong City na mahigit tatlong porsyento lang ang itinaas ng populasyon samantalang nasa mahigit dalawang porsyento naman ang Paranaque City.
Naitala na ang Navotas City na may pinakamababang paglago ng populasyon sa NCR na nasa .03 percent lamang.
By Judith Larino